Monday, May 7, 2012
Sabi ng iba ...
"You can't please everybody."
Sabi ng iba, masungit ka. Sabi rin nila na wala kang magagawa, na hindi mo kaya. Sabi nila, wala kang mararating at hindi mo kayang umangat. Sabi din nila na hindi ka maganda. Maputi ka lang kaya mo sila nakukuha. Sabi nila, malaki butas ng ilong mo at makapal ang labi mo. Hindi ka maganda o gwapo. Sabi nila, walang seryosong magmamahal sayo dahil sa maruming nakaraan mo.
Iyan ang karaniwang naririnig natin sa iba. Minsan pa nga'y naririnig ng tenga pero tumatagos sa puso. Kapag narinig, ang laki ng epekto sa atin diba?. Una, nawawalan tayo ng self-confidence. Self-confidence na magstand out na marinig ang ating opinyon. Confidence na mag-share ng perspectives natin sa mga bagay. Pangalawa, dahil sa sinasabi ng iba, we're not leaving our comfort zones. We're not discovering something different because we might fail. Dahil sa sinasabi nila, wala ka ng ginawa kundi manatili sa kung anong kaya mo lang gawin. Hindi mo alam meron ka palang ibang kayang gawin, naghihintay lang kung iddiscover mo. Pangatlo, eto ay ang low self-esteem. Dahil sa sinasabi nila, maging ang ating sarili, lalo nating dinodown. Nanggagaling sa ating sarili ang discouragement, ang takot, ang failures and hatred.
Pang-apat, we're being an introvert person. It is Where Shyness rules. Nahihiya tayong makipag-usap. Yung tipong, nageenjoy ka magisa.
But above all this, there's an answer to prevent these. Kala mo ba magtatagumpay ang lahat ng sinasabi nila? No, it's not. We're experiencing these things to remind us that we're weak. We need someone who is greater than us. Who will teach us to let go of these things and that is in Jesus Christ.
Jesus can teach us the art of healing. He'll heal the wounds in our hearts and cast out our fears. (Psalm 147:3) After that, He'll restore you and give you your true identity. Friends, peers and families can comfort us but nothing can beat God's comfort and healing. Try mo minsan kasi based on my experience, 100% Effective siya.
Let go and Let God. "Do what God pleases" is better than "Pleasing everybody"
Stand out and Shine. :)))
God Bless.
-Rajj
Tuesday, May 1, 2012
I will wait.
Naranasan mo na ba ang mahabang pila sa enrollment? O kaya naman maghintay ng isang kaibigan kapag may outing? Gusto mo na rin bang magsummer agad dahil sawa ka na mag-aral? Ang Hirap maghintay noh? Iba't ibang reaksyon,feeling at mood ang nararamdaman mo pag naghihintay ka. Isa na dito ang pagkainis. Kapag nabadtrip ka dahil ang tagal ng hinihintay mo, dun pa lang sira na ang araw mo.
Pero para sa akin, Waiting is my Virtue. I decided this because I made a choice and that is to wait. To wait for the proper time, place and circumstance that I'm going to deal with. I have two points that I'll show you that emphasize the importance of waiting.
Una, paghihintay sa ating mga dinadalangin. Kaya minsan, maraming tao ang tumatalikod sa Diyos dahil feeling nila hindi naririnig ng Diyos ang kanilang mga panalangin. Ano ba ang madalas na pinag-ppray natin? Andyan yung pangarap natin, gadgets na trending, makapasa sa grades, makapunta sa ibang bansa, at ang famous lines na "Lord, siya na lang." at iba pa. Pero ang Diyos natin ay mabuti. Tingin natin pinapabayaan niya tayo kapag hindi nasasagot ang ating prayers.Isang malaking WRONG! Sometimes God teaches us how to wait in order to know the worth of the things that we're praying for. God answers prayers on the right time, right place and on the right motive.
Pangalawa, paghihintay sa ating "Love of my life". I believe that "True Love waits". Mostly, ito ang problema ng maraming kabataan ngayon. Hindi marunong maghintay sa takdang panahon. Kaya pumapasok ang pre-marital sex,"16 and pregnant" and undergraduate among teenagers. Para sa akin, magboyfriend or maggirlfriend ka kung sapat na ang kakayahan mong bumuhay ng pamilya. Commitment is a waste if it is not leading into marriage. Serious commitments involve sacrifices. Sa pagsasakripisyo, andito ang self-denial. You're being selfless dahil mas iniisip mo ang kapakanan ng isang tao. Kung may commitment kayo habang nag-aaral, tingin mo wala itong epekto sa pag-aaral niya? Commitment needs communication kaya andyan ang pagtetext na inaabot na ng umaga. Kaya pagdating sa school, tulog. It greatly affects us kaya kung selfless ka, hahayaan mo bang makasira ka ng pangarap. Mas gumagaan ang buhay kapag walang dalahin.
Sa maling commitment, pumapasok din dito ang deprived socialization. May friend ako nung highschool, may boyfriend siya. Makikita mo talagang hindi sila mapaghihiwalay ninuman. Sila magkausap pag vacant. Sila magkasama kumain. Hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha nila? Kulang na lang eh lagyan mo ng mighty band yung kamay nila para di na talaga sila maghiwalay eh. Dito pumapasok ang deprived socialization. Napapabayaan na nila ang kanilang social life. Feeling nila ang mundo ay umiikot lang sa kanilang dalawa. Hindi nila alam, yung quality ng friendship na iniiwan nila ay hindi matibay. Kaya Learn to wait sa ating buhay pag-ibig. Malay mo naka-focus ka lang sa bf/gf mo ngayon pero ang plano pala sa iyo ng Diyos is far greater than you have now. So Think about it.
Ayan ang mga kadahilanan kung bakit kailangan nating maghintay. I'm not saying this because I'm perfect. May nagawa din akong mali sa buhay ko. Pumasok ako sa maling commitment that never leads to happy ever after but I'm sharing these things dahil ito ang mga natutunan ko. Hope this post inspire you. Feel free to comment kung meron pa kayong naiisip na mga points kung bakit kailangang maghintay. Your comments will be appreciated.
God Bless.
-Rajj
Monday, April 30, 2012
True Love. God is Love.
"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres."
I Corinthians 13:4-7
Sunday, April 29, 2012
Cassandra na lang ang itawag mo sa akin.
Wag seryosohin ang title ng post na ito.
Sa totoo talaga, ayaw ko ng pangalan ko eh.(Rajah) Alam naman nating panlalaki at may kakaiba pang meaning ang nakalakip sa pangalang ito. Naaalala ko pala kapag first day of class, lagi kong nararamdaman yung feeling na abnormal ka. Abnormal in a way na unique ka sa iba.(Dark Side ng pagka-unique) Nahihiya ako pag tinawag ako tapos yung mga kaklase mo naman todo tingin sayo pag tapos mo tawagin. Para sa akin, big deal talaga ang pangalan ko.
Ngayong college nga, napagkamalan akong lalaki dahil sa pangalan ko. Saklap lang.(Chos!)
Anong connect ng cassandra? Syempre, yan ang gusto kong pangalan na sana naisip nila mama nung pinanganak ako. Kaya naiinggit ako sa mga girls na may pangalang cassandra. Wala lang. Gusto ko lang talaga siya. Tingin ko kasi bagay sa akin ang pangalang ito.
Pero sa 17 years na binuhay ko sa mundong ito. Natututunan ko ng tanggapin ang pangalang ito. Kasi naglalarawan ito kung sino ako eh. Sabi nga ng isa kong friend, "Kaya pala Rajah pangalan mo, may royal blood ka, you're a princess of God's" Sarap pakinggan diba? Dun pa lang napagisip-isip ko na, dapat ko talagang mahalin ang pangalang ito.
Nagiisip din ako ng magandang pangalan ng url ng blog ko. Eh, personal blog ko naman ito kaya laging sumasanggi sa isip ko yung buong pangalan ko na lang kaya. Pero yun nga, baka mapagkamalan na lalaki ang may-ari nito pero dahil natutunan ko ng mahalin ang pangalan ko, eto na talaga ang url ko.
"Rajah ang itawag mo sa akin pero pwede din Rajj for short."

Subscribe to:
Posts (Atom)