Sunday, April 29, 2012

Cassandra na lang ang itawag mo sa akin.

Wag seryosohin ang title ng post na ito. 

Sa totoo talaga, ayaw ko ng pangalan ko eh.(Rajah) Alam naman nating panlalaki at may kakaiba pang meaning ang nakalakip sa pangalang ito. Naaalala ko pala kapag first day of class, lagi kong nararamdaman yung feeling na abnormal ka. Abnormal in a way na unique ka sa iba.(Dark Side ng pagka-unique) Nahihiya ako pag tinawag ako tapos yung mga kaklase mo naman todo tingin sayo pag tapos mo tawagin. Para sa akin, big deal talaga ang pangalan ko.

Ngayong college nga, napagkamalan akong lalaki dahil sa pangalan ko. Saklap lang.(Chos!)
Anong connect ng cassandra? Syempre, yan ang gusto kong pangalan na sana naisip nila mama nung pinanganak ako. Kaya naiinggit ako sa mga girls na may pangalang cassandra. Wala lang. Gusto ko lang talaga siya. Tingin ko kasi bagay sa akin ang pangalang ito.

Pero sa 17 years na binuhay ko sa mundong ito. Natututunan ko ng tanggapin ang pangalang ito. Kasi naglalarawan ito kung sino ako eh. Sabi nga ng isa kong friend, "Kaya pala Rajah pangalan mo, may royal blood ka, you're a princess of God's" Sarap pakinggan diba? Dun pa lang napagisip-isip ko na, dapat ko talagang mahalin ang pangalang ito.

Nagiisip din ako ng magandang pangalan ng url ng blog ko. Eh, personal blog ko naman ito kaya laging sumasanggi sa isip ko yung buong pangalan ko na lang kaya. Pero yun nga, baka mapagkamalan na lalaki ang may-ari nito pero dahil natutunan ko ng mahalin ang pangalan ko, eto na talaga ang url ko.

"Rajah ang itawag mo sa akin pero pwede din Rajj for short."

No comments:

Post a Comment