Naranasan mo na ba ang mahabang pila sa enrollment? O kaya naman maghintay ng isang kaibigan kapag may outing? Gusto mo na rin bang magsummer agad dahil sawa ka na mag-aral? Ang Hirap maghintay noh? Iba't ibang reaksyon,feeling at mood ang nararamdaman mo pag naghihintay ka. Isa na dito ang pagkainis. Kapag nabadtrip ka dahil ang tagal ng hinihintay mo, dun pa lang sira na ang araw mo.
Pero para sa akin, Waiting is my Virtue. I decided this because I made a choice and that is to wait. To wait for the proper time, place and circumstance that I'm going to deal with. I have two points that I'll show you that emphasize the importance of waiting.
Una, paghihintay sa ating mga dinadalangin. Kaya minsan, maraming tao ang tumatalikod sa Diyos dahil feeling nila hindi naririnig ng Diyos ang kanilang mga panalangin. Ano ba ang madalas na pinag-ppray natin? Andyan yung pangarap natin, gadgets na trending, makapasa sa grades, makapunta sa ibang bansa, at ang famous lines na "Lord, siya na lang." at iba pa. Pero ang Diyos natin ay mabuti. Tingin natin pinapabayaan niya tayo kapag hindi nasasagot ang ating prayers.Isang malaking WRONG! Sometimes God teaches us how to wait in order to know the worth of the things that we're praying for. God answers prayers on the right time, right place and on the right motive.
Pangalawa, paghihintay sa ating "Love of my life". I believe that "True Love waits". Mostly, ito ang problema ng maraming kabataan ngayon. Hindi marunong maghintay sa takdang panahon. Kaya pumapasok ang pre-marital sex,"16 and pregnant" and undergraduate among teenagers. Para sa akin, magboyfriend or maggirlfriend ka kung sapat na ang kakayahan mong bumuhay ng pamilya. Commitment is a waste if it is not leading into marriage. Serious commitments involve sacrifices. Sa pagsasakripisyo, andito ang self-denial. You're being selfless dahil mas iniisip mo ang kapakanan ng isang tao. Kung may commitment kayo habang nag-aaral, tingin mo wala itong epekto sa pag-aaral niya? Commitment needs communication kaya andyan ang pagtetext na inaabot na ng umaga. Kaya pagdating sa school, tulog. It greatly affects us kaya kung selfless ka, hahayaan mo bang makasira ka ng pangarap. Mas gumagaan ang buhay kapag walang dalahin.
Sa maling commitment, pumapasok din dito ang deprived socialization. May friend ako nung highschool, may boyfriend siya. Makikita mo talagang hindi sila mapaghihiwalay ninuman. Sila magkausap pag vacant. Sila magkasama kumain. Hindi ba sila nagsasawa sa pagmumukha nila? Kulang na lang eh lagyan mo ng mighty band yung kamay nila para di na talaga sila maghiwalay eh. Dito pumapasok ang deprived socialization. Napapabayaan na nila ang kanilang social life. Feeling nila ang mundo ay umiikot lang sa kanilang dalawa. Hindi nila alam, yung quality ng friendship na iniiwan nila ay hindi matibay. Kaya Learn to wait sa ating buhay pag-ibig. Malay mo naka-focus ka lang sa bf/gf mo ngayon pero ang plano pala sa iyo ng Diyos is far greater than you have now. So Think about it.
Ayan ang mga kadahilanan kung bakit kailangan nating maghintay. I'm not saying this because I'm perfect. May nagawa din akong mali sa buhay ko. Pumasok ako sa maling commitment that never leads to happy ever after but I'm sharing these things dahil ito ang mga natutunan ko. Hope this post inspire you. Feel free to comment kung meron pa kayong naiisip na mga points kung bakit kailangang maghintay. Your comments will be appreciated.
God Bless.
-Rajj
No comments:
Post a Comment